Ukol sa mga awtor

Noel Sales Barcelona - mamamahayag, makata, mananaliksik, laiko

Isang mamamahayag, mananaliksik, makata, at tagapagsalaysay si Noel Sales Barcelona.

Kasalukuyan siyang diocesan correspondent (Antipolo) ng CBCPNews.com, ang opisyal na pahayagan sa internet ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na pinagtapusan din niya ng maikling kurso ukol sa Catholic Journalism.

Bilang makata at kuwentista, nagkamit na rin siya ng ilang parangal at gantimpala dahil sa kaniyang mga isinusulat.

Bukod sa pagsusulat, nagle-lecture din siya hinggil sa journalism, social issues, at kritisismo.

Maliban sa CBCPNews, nagsusulat din siya sa pahayagang PINAS The Filipino’s Global Newspaper, Dateline.ph, Philippine Daily Mirror, American Chronicle, at Philippine News Vanguard, na isa siya sa mga patnugot.

***

Pia Montalban: Kabataan, ina, mangingibig, makata, manunulat, organisador, laiko

Si Pia Montalban ay isang ordinaryong kabataang nagugumon sa texting, multiply, friendster, facebook at iba pa. Nahilig sa gimik at paglalakwatsa. Umiibig, nagpapaibig, bumibigo ng pagibig, nabibigo sa pagibig.

Ngunit nang mabigyan ng pagkakataong mamulat sa pangangailangan maglingkod ay hindi nagpatumpik-tumpik sa pagtanggap ng atas bilang lingkod sa paaralan, simbahan at komunidad.

Hindi pa rin nawawala ang pagkagumon sa texting, multiply, friendster at facebook, paglalakwatsa, at katabaan ng pusong umibig ng walang humpay, ngunit ang lahat ng ito ngayo’y may direksyong magmulat ng iba pa.

Sa kasalukuyan aktibong organisador siya ng kabataan, sa komunidad at sa simbahan.

Aktibong bahagi siya ng Voice of the Youth Network, Kabataan Partylist,
Youth for a Cause, Dagitab ng Aktibong Kabataan (DaNAK), KATIG (Youth Ministers) at Kilometer64 poetry collective.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: