salamat at oo

Paano nga ba tutugon sa tawag ng Banal? Gayong lahat ng isip ng tao ay mortal at karnal? (Larawan mula sa http://bible-pictures.severetnikovs.com/jesus-and-samaritan-woman.jpg)

paano ba kita iibigin
aking Panginoon
paano ko ba sa iyo maipadadama
ang mainit kong pagtugon

gaya ba ng mainit kong halik
sa kasintahang nagbabalik
gaya ba ng yakap kong kay higpit
sa iniirog na kaisang dibdib

paano ba kita iibigin
aking Panginoon
paano ko ba sa iyo maipababatid
itong pagsangayon sa iyong inihatid

gaya ba ng mainit na pagsuyo
sa minamahal na kalaguyo
gaya ba ng pagiisang katawan
sa asawang aking pinakasalan

paano ba kita iibigin
aking Panginoon
paano ko ba sa iyo ipaaalam
itong aking pagtalima sa iyong utos

ah… walang ibang paraang marapat
maliban sa aking pagpapasalamat
sa lahat ng nakalipas
na nagturo ng katotohanang wagas

at saka ang patuloy na pag-Oo
ang pangyayari man ay makawasak o makabuo
sa lahat ng darating at magaganap pa
tagumpay man o pagsubok ang hatid nila

ganyan kita mamahalin
aking Panginoon
salamat, salamat!
at Opo — ipagpapatuloy ko ang alamat! – P.M.

Unang nalathala sa Multiply ng may-akda, Enero 5, 2008.

3 Comments (+add yours?)

  1. abetumil
    Mar 21, 2010 @ 06:40:43

    gusto ko ‘tong tulang ‘to.

    nasa kontradiksyon ang persona kung ano ba talaga ang kalidad ng tao? mortal/matter at imortal/ispiritu/kaluluwa?

    puro kasi pang-mortal ang rhetorical na katanungan mula una hanggang ika-5 saknong.

    at ang pagresolba niya sa conflict, sa sumunod na 3 saknong, ay parang dahon na umusbong sa duklay hanggang sumalimbay ito sa pagkapigtal.

    pero karaniwang tinitingnan ng mga diyalektiko materyalista na ang tao ay mortal/matter. pero kung uuriratin pa ang kalidad ng tao, sa personal na pakiramdam, kumbinsido na ‘ko sa idad ko, na ito ay kombinasyon ng materyal at ispiritu.

    ang pakiramdam ng sanggol, na karaniwang nawawala o kaya ay napapalakas sa kanyang pagsuong sa mundo, sa kanyang paglaki, ang siyang nagtatakda kung siya ay kombinasyon ng dalawa.

    pwede rin kasing piliin ng individual na siya ay walang isipiritu. sa conscious o waking life. at ‘yan ang mekanikal na pananaw. pero sa unconscious o tulog na buhay, hindi niya matatakasan ang katotohanan ng kalidad ng ispiritu.

    at ang pag-ibig sa Panginoon ay hindi pwedeng sa antas lang ng matter. o antas lang ng ispiritu. habang nasa daigdig ang tao, ang pag-ibig sa panginoon ay pag-ibig sa sarili-kapwa-Panginoon, kombinasyon ng matter at ispiritu.

    magandang diyalektika ang tulang ito kung ganun.

    Reply

  2. Pia
    Mar 22, 2010 @ 07:26:48

    ;p bonggang tugon. naku maraming salamat po. hindi pa ako ganun ka siyentipikong maghimay ng tula pero nakakatuwa ang mga repleksyon nyong ibinahagi.🙂

    Reply

  3. abetumil
    Mar 22, 2010 @ 22:32:30

    walang inumin, e, a, anoman.😉

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: