Isang panalangin

An introduction on Faith and Deed and why does f & d shirts are considered ‘more than fashion’

Throughout the ministry of Christ here on earth, He taught us two greatest things that sum up the whole teachings of the prophets and the Laws of Moses: to love the Lord our God with all our heart, with our entire mind, with our soul, with all our strength and to love our neighbor as we love ourselves (Cf. Mark 12: 29 – 31, The Jerusalem Bible).

In the entire Gospels, there are many instances that the Lord Jesus Christ had manifested this love, for God and for His neighbors by His deeds:

-          He healed the sick and the demon possessed because of His tender compassions and mercy—the utmost manifestation of a good act (Cf. Matthew 11: 2 – 6; Luke 7: 21; Acts 1:38)

-          He fed the hungry (Matthew 14: 14 – 21; Mark 6: 30 -44; Luke 9: 10 – 17; John 6: 1 – 13);

-          He made friends of the outcasts or the neglected in the Jewish society (Matthew 9: 10 – 11; Mark 2: 15 – 16; Luke 7: 39; 15: 2; 19: 7)

-          He did care for all whose need confronted Him (Matthew 8: 28 – 34; Luke 7: 11 – 17)

Jesus Himself has told the early Christians that the indelible mark that will distinguish the followers of Christ to other peoples of the world is love (Cf. John 13:34, The Jerusalem Bible).

***

Undeniably, the world is facing a huge crisis, not only in terms of financial but societal and spiritual as well.

In the Philippines and elsewhere, many people—Christians and non-Christians alike—were stripped off with their dignity as humans as poverty and injustice plague them.

Impoverished and hopeless they are they were forced to engage in sinful activities such as prostitution, theft and drug addiction. What is more saddening, most of them are in their very young age.

The United Nations Children’s Fund (Unicef) reports that the Philippine government’s globalization policy, though making the local economy more internationally competitive, it has also exposed children to such negative influences as family separation, dangerous drugs and urban poverty (Cf. Unicef, 2004)

***

Confronted with the issues of the devaluation of human life and the erosion of the human values, some youth—most of them are actively participating in the activities and outreach programs of their parishes and congregations—have decided to act and the stand firm on the vocation of proclaiming the Gospel of Christ—bringing the Light of Christ to the world and to serve as the Light and Salt of the World (Cf. Matthew 5:16; Matthew 5: 13, 14 The Jerusalem Bible). However, they want to do it in them most creative way.

This has given birth to Faith and Deed apparels.

***

More than fashion, it is a testament of the living faith

Faith and Deed (F & D) is more than shirts, caps, etc. that bear passages from the Good Book. It is a testament of a living faith.

The wearer of the F & D shirt is actually the bearer of the love and light of Christ. Once that one has worn the shirt, he or she is committed to become an instrument of sowing the seeds of the living and active Christian faith.

Commitment to the Gospel of Christ is what makes this collection unique and distinct from any other apparel.

It is a movement

Upon the acquisition of the clothing, one is signing a Testament of Covenant that compels the wearer to act as a witness to the goodness and love of God through Christ by being good citizens (Cf. Matthew 17: 24 – 27), faithfully doing his or her share for the betterment of the society (Matt. 22: 15 – 22; Romans 13: 1 – 7; 1 Timothy 2: 2; I Peter 2: 17).

Upon signing, the wearer will become an automatic member of the movement of Christians that are exercising their faiths by helping their fellow humans—the exact image of God (Cf. Genesis 1: 27 – 30)—in restoring their dignity as a persons and their spirituality and morality as citizens of the Kingdom of God (Colossians 1: 13; Hebrew 12: 28).

An act of charity

As part of its social responsibility the F & D is giving a portion of its profits to charitable institutions as well as to fund some social activities of the F & D Movement that aim to uplift the living condition of some of our brothers and sisters.

As a support to the Evangelization efforts of the Church

As mentioned before, the shirts and other materials will be used as instrument of evangelization. The wearer will a part of the evangelization effort of the Church and will become the true and genuine witness of the love and power of Christ.

***

We are asking for your support to this endeavor. Let us be partners in proclaiming the goodness of the Lord and making our faiths a living faith (James 2: 20, the King James Version).

Mga Sisidlang Walang Laman (Naghihintay na Iyong punan)

Punan mo kami, o Diyos
Sapagkat kami ay kulang.
Sa salang di natatapos
Lagi at laging may puwang.

Punan mo kami, o Yahweh
nang wagas mong pagmamahal;
Dahil sa Iyong pagtangi
Doon kami mabubuhay.

Opo, mga bangkay kami
Mga buto sa bukirin
Mga patay na lugami
Dahil nga sa sala namin.

Kami po ay kahabagan,
O Diyos na Manlilikha
Sa aming kasiphayuan
Tumugon Ka po tuwina.

Huwag nga po Ninyong takpan
Ang Inyo nga pong Pandinig
Sa aming pananambitan
Inyo sanang maulinig!

Sapagkat tulad ng ubas
Wala kaming mga saysay
Kung sa Sanga kami’y baklas
Tunay nga na mamamatay.

Kami ay mga sisidlan
JAH, sa Iyo’y Naghihintay,
Basyo kami na lalagyan
Halina, kami’y punuan!

Punan mo kami, o Diyos
Sapagkat kami ay kulang.
Sa salang di natatapos
Lagi at laging may puwang.

Punan mo kami, o Yahweh
nang wagas mong pagmamahal;
Dahil sa Iyong pagtangi
Doon kami mabubuhay.

Opo, mga bangkay kami
Mga buto sa bukirin
Mga patay na lugami
Dahil nga sa sala namin.

Kami po ay kahabagan,
O Diyos na Manlilikha
Sa aming kasiphayuan
Tumugon Ka po tuwina.

Huwag nga po Ninyong takpan
Ang Inyo nga pong Pandinig
Sa aming pananambitan
Inyo sanang maulinig!

Sapagkat tulad ng ubas
Wala kaming mga saysay
Kung sa Sanga kami’y baklas
Tunay nga na mamamatay.

Kami ay mga sisidlan
JAH, sa Iyo’y Naghihintay,
Basyo kami na lalagyan
Halina, kami’y punuan!

Palm Sunday

His Excellency, Archbishop Angel Lagdameo, D.D.

The Archbishop of Jaro and former president, CBCP

Mulier, ecce filius tuus

25 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, Ina, ituring mo siyang sariling anak!

27 At sinabi niya sa alagad, Ituring mo siyang iyong ina! Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.

Juan 19:25-27.

Babae, narito, ang iyong anak! Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, 'Narito, ang iyong Ina!' (Juan 19: 24 - 25, Ang BIBLIA); Larawan kagandahang loob ng Fine Art America.com

Rosa Mystica

Habang nakabayubay sa Krus ng Kalbaryo, upang tubusin ang santinakpan, sa gitna ng maraming tao, naroroong nakatunghay kay Hesus, si Maria na kanyang Ina, at ang kanyang mga alagad. Alin nga ba ang mas masakit? Ang hapdi at kirot ng bawat ulos ng pako tagos sa palad at talampakan at ang pagkakabayubay sa krus ng nakapako? O ang pagkawarat ng damdamin at kaluluwa ng isang Ina sa pagtunghay sa sinapit ng kanyang anak? O ang pasakit ng isang batang makitang ang kanyang guro’y nakabitin, nahihirapan, at nagbubuwis ng dugo sa kanyang harapan pa mismo? Nauunawaan niya ang kanilang mga pinagdadaanan sa gitna ng sariling pinagdadaanan, at kanyang sinasabi: magkalingaan kayo sa isa’t isa.

Matingkad na matingkad sa akin ang eksenang ito. Wari ba’y hindi siya eksenang naganap ng iilang libong taon na ang nakalipas. Sariwa siya sa akin sa bawat nagbubuwis ng buhay para lamang pambansang pagbabago. Sariwa siya sa akin, sa bawat ina ng mga dinukot, at pinaslang ng walang awa at walang hustisya, pinaslang ng mga modernong sundalong Romano na bingi sa panawagan ng mas malawak na masa na palayain at itigil ang pagpapahirap sa inosenteng mga sibilyang pinagbintangan ng mga krimeng hindi naman nila ginawa. Sariwa siya sa akin, sa hinagpis at pakikiramay ng mga itinuturing nating mga kapatid sa isang pakikibakang nagaganap sa gitna ng marahas na tunggalian (na karaniwang nagbubunga ng kamatayan at pagkasugat sa ilan): Silang nananatiling nakatindig at nakikihamok para makamit ang inaasam na pambansang pagbabago. Sa bawat parangal at pagpupugay para sa mga bayani ng bayan, sariwa ang bawat hapdi at kirot.

Ngunit alin nga ba ang mas masakit?

Ang matortyur?: i-stapler ang tenga, pagkatapos tatanggalin ito isa-isa; pagkuryente sa bayag; pagpapahiya sa kababaihan, at ang paghubad sa dignidad ng tao, at iba’t iba pang “malikhain” nilang pamamaraan ng pandarahas—at sa iba pa ay ang kanilang pagkitil ng buhay—bilang sukli sa tunay na paglilingkod sa bayan?

Sa kasaysayan ng mga Romano, naisip ng mga nasa poder—ng mga hari, gobernardor, at opisyal ng kasundaluhan—ang pinakamatitindi at pinakamararahas na paraan ng pagpaparusa diumano sa mga nagkasala laban sa mabunying Imperyo ng Roma. Si Hesus mismo, nakaranas nang pinakamalupit at pinakamasakit na uri ng tortyur: ang paghampas sa kanya ng suplinang sa bawat dulo’y may bakal at may buto ng tupang nakabaon. Isipin na lamang ninyo ang bawat laman at dugong tumitilamsik sa bawat pagdapo ng suplinang iyon sa likod, bisig, hita, binti at saan mang bahagi ng katawan, ng Panginoong Hesus. At lahat iyon, nasaksihan ni Maria, ang Kanyang Ina at atin rin namang naging ina.

Alin nga ba ang mas masakit?

Ang biglang mawalan ng anak, asawa, kapatid, tiyo, ama, ina at iba pa? Ang walang katapusang paghahanap at pagaalala? At ang matagpuan na lamang sila pagkalipas ng maraming taon, bilang bangkay, at malala sa iba ay hindi na talaga nakikita pa kahit katawang malamig na nga lamang?

Ang mamatayan ng mga kaibigan at kasama dahil sa isang mahaba at matagalang pakikibaka laban sa inhustisya at di-pagkakapantay-pantay sa lipunang ito? Samantalang walang humpay na tatatak sa iyo ang mga biruan at kantahan sa bawat piketlayn at pulong at tambayang kinahihimpilan? Habang palagi kang mumultuhin ng ehemplong kanyang iniwan, o ng mga katagang pampapatatag na minsang nabanggit niya sa iyo?

Alam ng bawat isa ang sakit na pinagdadaanan ng bawat isa. Ang anak mo’y hindi mo naman talaga anak, sila’y mga Anak ng Bayan. Ang mga kasama’y higit pa sa dugo ang pagkakabigkis. Ang iisang pakikibaka ang nagtatali sa isa’t isa. Magkalingaan tayo! Magkalingaan tayo, hanggang sa katuparan ng kaganapan ng buhay, at pagsasakatuparan ng Kaharian ng Diyos, hindi lamang sa langit kundi higit dito sa lupa.

Mulier, ecce filius tuus. Magkalingaan tayo, mga kapatid… mga kasama.—P.M.

salamat at oo

Paano nga ba tutugon sa tawag ng Banal? Gayong lahat ng isip ng tao ay mortal at karnal? (Larawan mula sa http://bible-pictures.severetnikovs.com/jesus-and-samaritan-woman.jpg)

paano ba kita iibigin
aking Panginoon
paano ko ba sa iyo maipadadama
ang mainit kong pagtugon

gaya ba ng mainit kong halik
sa kasintahang nagbabalik
gaya ba ng yakap kong kay higpit
sa iniirog na kaisang dibdib

paano ba kita iibigin
aking Panginoon
paano ko ba sa iyo maipababatid
itong pagsangayon sa iyong inihatid

gaya ba ng mainit na pagsuyo
sa minamahal na kalaguyo
gaya ba ng pagiisang katawan
sa asawang aking pinakasalan

paano ba kita iibigin
aking Panginoon
paano ko ba sa iyo ipaaalam
itong aking pagtalima sa iyong utos

ah… walang ibang paraang marapat
maliban sa aking pagpapasalamat
sa lahat ng nakalipas
na nagturo ng katotohanang wagas

at saka ang patuloy na pag-Oo
ang pangyayari man ay makawasak o makabuo
sa lahat ng darating at magaganap pa
tagumpay man o pagsubok ang hatid nila

ganyan kita mamahalin
aking Panginoon
salamat, salamat!
at Opo — ipagpapatuloy ko ang alamat! – P.M.

Unang nalathala sa Multiply ng may-akda, Enero 5, 2008.

Aling pag-asa?

Umasa Ka sa Diyos

(*) Refrain:
Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin
At manahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.

1. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,
Pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;
Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
Katulad ng araw kung tanghaling tapat. (*)

2. Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka,
Maging matiyagang maghintay sa kanya;
H’wag mong kaiingitan ang gumiginhawa
Sa likong paraan, umunlad man sila.(*)

Ending:
At pangarap mo ay makakamtan.

H’wag kang mabalisa dahil sa masama;
H’wag mong kainggitan ang liko nilang gawa;
Katulad ng damo, sila’y malalanta,
Tulad ng halaman, matutuyo sila…

Awit 37: 1, Magandang Balita Biblia

Kaban ng Tipan

Kaysarap pakinggan ano? Na mawawala nang lahat ng masama rito sa mundo. Wala nang mga krimen, mga pang-aabuso. Lahat, matiwasay; lahat, masaya; lahat nasa tangkilik ng makapangyarihang kamay ng Diyos.

Sabi ni David sa kanta niya, huwag tayong mabalisa sa gawang masasama. Mapaparam din ‘yan pagdating ng araw.

Pero, sa panahon natin ngayon na puno ng kabagabagan, pangamba dahil sa inhustisya’t karalitaan – marahil marami ang magsasabi kay Haring David, sakaling buhay pa siya, na napakahirap paniwalaan ng sinasabi mo! Siguro, may manunumbat sa kanya at magsasabi: “Sige, lamunin mo ‘yang kawalang pangamba mo at kawalang inggit mo sa mayayamang nagkamal ng yaman dahil sa pandaraya! Sige, pakainin mo kami! Nasasabi mo lang naman ang mga bagay na ‘yan dahil hindi ka nagugutom at mayaman ka! At dahil mahal ka ng Diyos! Kami, hindi!”

Marahil, marami ring pauyam na magsasabi sa kanya: “H’wag kainggitan ang masama? H’wag kainggitan silang namumutiktik ang kayamanan? Are you kidding, dude?!”

Sa totoo lang, maraming kababayan natin ang kapit sa patalim at hindi na nasusunod ang konsensiya o prinsipyo dahil sa gutom at uhaw. Marami ang napipilitang magbenta ng laman, magbenta ng prinsipyo, magpagamit sa mga mamamatay-tao, dahil gutom sila.

Napakahirap nga yata, Haring David, na sundin ang payo mong magtiwala na lamang sa Diyos at huwag kainggitan ang kayamanan ng iilang nag-uumapaw na sa kanilang mga bodega, libreto-de-bangko, at kaha-de-yero.

Pero, kagaya nga ng sinabi ni Haring David: Kung magtitiwala ka lamang sa kapangyarihan ng Diyos, mananatili kang tiwasay. Kung mananalig kang makatarungan, mapagmahal, at mapagkalinga si Yahweh — madali mong masusunod ang payo ng pantas na si David.

Kumikilos si Yahweh, sa panahon natin, hindi sa pamamagitan ng mga haliging apoy at ulap at maging sa paghati sa dagat, kagaya nang ginawa niya nang hinahabol ng mga Ehipsiyo (Egyptians) ang mga Israelita (Cf. Exodo 13: 21 – 22; Exodo 14: 1 – 31). Ang himala ngayon ni Yahweh ay nasasalalay sa ating pagkilos at sa ating pakikibaka laban sa kasamaang ito.

Kagaya nga ng sinabi ni San Pablo sa mga taga-Efeso, tayo ang magsisilbing tagahantad ng mga gawaing buktot at masama ng mga taong nabubuhay sa kasakiman at kahalayan (Cf. Efeso 5: 11 at 13).

Tayo kasi ang mga bantay o tanod ng Diyos dito sa lupa. At kung tayo ang magpapabayang lumaganap ang kasamaang ito, tayo rin ang babagabagin ng Diyos dahil tayo mismo ang sisingilin niya… gaya nang sabi ni Yahweh sa pagsusugo niya kay Propeta Ezekiel:

Ezekiel, anak ng tao, ginagawa kitang bantay ng bansang Israel. Makinig ka sa aking sasabihin, at bigyan mo sila ng babala.

Kapag sinabi kong tiyak na mamamatay ang mga taong masama, at hindi mo sila binigyan ng babala upang sila’y makapagsisi, ang mga tao ngang iyon ay mamamatay dahil sa kanilang kasalanan; ngunit pananagutan mo sa akin ang kanilang kamatayan.

Subalit kapag binigyan mo sila ng babala, at hindi sila nagsisi sa kanilang kasamaan, mamamatay nga sila dahil sa kanilang mga kasalanan; ngunit hindi mo iyon pananagutan.

Kapag nagpakasama ang isang matuwid, ilalagay ko siya sa panganib. Mawawalan ng kabuluhan ang kabutihang ginawa niya noong una at mamamatay nga siya dahil sa kanyang kasalanan. Kapag hindi mo siya binigyan ng babala, pananagutan mo sa akin ang kanyang kamatayan.

Ngunit kapag binigyan mo ng babala ang mga taong matuwid, at sila’y lumayo sa kasamaan, hindi sila mamamatay; at wala kang pananagutan.” (3: 17 – 21, Ang Bagong Magandang Balita Biblia)

At pakaasahan natin, dahil hindi sinungaling ang Diyos, na tutuparin niya ang Kanyang pangako sa Awit 37 na mapaparam ang masasama at mananatili at mabubuhay nang matiwasay ang mga tapat ng Diyos – ang Kanyang mga hinirang (Tito 1: 2) – N.S.B.

The Battle Belongs to the Lord

Mga Sandatang Kaloob ng Diyos

Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya’t isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.

Kaya’t maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Ang lahat ng ito’y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Efeso 6: 10 – 18, Ang Bagong Magandang Balita Biblia

BAGAMAN sinasabi ni San Pablo na ang pakikihamok sa buhay na ito ay isang digmaang espirituwal, hindi rin masasabing walang panlipunang implikasyon ang pakikidigmang ito laban sa kasalanan at kasamaang nagaganap sa ating lipunan.

Katunayan, bago ang mga pananalitang nasa itaas, binanggit ni San Pablo ang mga bagay na nauukol sa pagiging tunay na Kristiyano: ang pamumuhay ng naaayon sa Liwanag o mga aral at halimbawa ng Panginoong Hesu-Kristo.

Aniya,

Kaya nga’y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal:

At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.

Ngunit ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya nang nararapat sa mga banal…

Sapagkat talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang pagsamba sa dios-diosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.

Efeso 5: 1-2, 5, Ang Biblia

Subalit, sa ating pangmasid – Sinu-sino ba ang namumuhay nang lubos na kahalayan? Sino ba ang masakim? Sino ba mapakiapid? Sa ating pagmumuni-muni ukol sa digmaang maka-Langit – na ngayon ay pinakikihamukan ng Diyos at ng Kanyang mga hinirang – baka naman maaari rin nating ituring ang pakikibakang ito bilang isang puspusang pakikidigma rin laban sa mga ginagamit ng diyablo upang ipahamak ang mga hinirang, laluna yaong dapat magmana sa Kaharian ng Diyos. Paano ito maisasagawa? Sa pamamagitan ng paghahantad sa liwanag ng kanilang mga gawa (Mateo 18: 6 – 7; Efeso 5: 11, 13). N.S.B.

Previous Older Entries

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.